Sunday, September 30, 2007

Pag-ibig Ko

Ang kamay ng orasan ay
Hindi tumigil
Ang galaw ng bawat sandali ay
Patuloy
Tulad ng pagmamahal ko sa yo


Ang pag-ibig ko ay hindi
Preso
Hindi kita ikinukulong sa aking templo
Walang tanikala na pipigil sa yo
Sa pagtuklas mo ng sanlaksang
Hiwaga ng mundo

Bagkus,
Ang pag-ibig ko ay malaya dumadaloy sa pagitan nating
Dalawa
Tulad ng karagatan na malawak ang kinasasakupan

Dahil hindi iisa ang ating puso’t kaluluwa
Andiyan ang puwang sakaling hanapin mo ito

Tulad ng paglakbay mo sa
Pusod ng kalooban at kaligayahan mo
Malaya mong hanapin ang kapayaan ng kaluluwa mo



Ang pag-ibig ko sa yo
Ay hindi maramot
Ang lungkot na nadarama ko ay mapapawi rin ng panahon



May 18, 2007 (6:56pm)
bergenfield,nj


* Ang Propeta ni Kahlil Gibran ay isa sa mga librong lagi kong binabalik-balikan, lalo na kapag ang puso ko'y nalulumbay. Mayroon akong lumang sipi na bigay sa akin ni Uncle Choncho. Matanda pa ang librong ito kaysa sa akin. Isa ito sa kakaunting librong ibinaon ko mula pa sa Pilipinas.

No comments: