sugat ka sa aking balat
na tuwi-tuwina'y
nagpapaalala
ng sakit na
naramdaman sa aking
pagkadapa
akala ko'y
tuyo na ang aking bahay-luha
ngunit
dahan daha'y
may tumutulo pa rin
dumadaloy sa aking pisngi
papunta sa aking dibdib
naghahatid ng hapdi
at ang nakaraan ay parang
pagguho ng yelo
mula sa tuktok
ng bundok ng aking kamalayan
pigilin ko man
malakas ng dagundong
pikit-mata
bukas bibig
piping sigaw
11/10/2007
8:19 am
bergenfield,nj
**************************************************************************************
talagang pangmatagalan ang sakit na dala ng nasirang pag-ibig. marami pa akong panahong bubunuin. pero kailangan kong pagdaanan,bago ko malampasan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment