Sunday, October 7, 2007

time out

parang mitsa na sinindihan
ang linya
ng ating
talastasan

mainit
nag-aalab
hintay lang muna


parang nasisilip mo
ang pinakamadilim
kong mga pagnanasa


may halong kaba
ang aking halakhak
dahan-dahan muna
darating din tayo diyan


ngunit sa isang banda
tama ka
hindi na tayo mga batang
nabubuhay sa nakaraang milenya

pero hintay muna
bagalan mo naman


painitin
mo lang ng
dahan-dahan



*oktubre 7, 2007
bergenfield,NJ


di mo rin talaga matanto ang biro ng pagkakataon. heto si panginorin at biglang tumitiklop. ganito pala kapag nakahanap ka ng sikretong katapat, biglang naglalaho ang tapang at talas ng dila at kaisipan. nagbabalik sa pagkamanang. parang batang maihyain muli, ngunit sa pag-iisa'y parang pinakawalang bennu sa dilim, nagsasabog ng liwanag at init mula sa baga.matapos ang walang tulugang magdamag.matapos makipag-usap kay MS